Rerepasuhin ni Senador Sergio Osmeña III ang kontratang pinasok ng pamahalaan sa mga water concessionaires na Maynilad at Manila Water Company.
Sa harap na rin ito ng nakaambang pagbabayad ng gobyerno sa pagkalugi ng dalawang kumpaniya ng tubig makaraang hindi sila payagang magtaas ng singil sa mga konsyumer.
Sinabi ni Osmeña, sa kaniyang pagkakatanda, pinapayagan lamang ng kontrata ang mga water companies sa return of investment o ang pagbawi sa puhunan ngunit limitado lamang ito.
Una nang inihain sa Korte Suprema ang isang petisyong humaharang sa pagbabayad ng gobyerno sa mga inilugi ng dalawang kumpaniya ng tubig dahilan para repasuhin ng Senador ang kontrata bilang Chairman ng Senate Committee on Public Services.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)