Inirekomenda na ni Comelec Commissioner Rey Bulay na tapusin ang kontrata sa organizer ng Townhall debate, na Impact Hub o Vote Pilipinas.
Ayon kay Bulay, hindi dapat maugnay ang Comelec sa sinumang tao o grupo na nagpapanggap na mayroon itong kapasidad, qualification at property na gawin ang obligasyon.
Maituturing kasi aniyang pinsala sa iba at sa komisyon ang umano’y paulit-ulit na maling aksyon ng Vote Pilipinas.
Sinimulan na ng Comelec ang imbestigasyon sa private partner nito na Vote Pilipinas.
Matatandaang sa impormasyon, apat na tseke na inisyu ng Vote Pilipinas sa Sofitel ang tumalbog dahil sa kawalang-pondo.
Ang Sofitel ang mangangasiwa dapat ng nakatakdang debate ngayong araw at sa linggo, na iniusog sa Abril a-30 at Mayo a-1.
Willing naman si Bulay at ang mga kasamahan nito na mag-ambag-ambag ng P15-M upang mailigtas ang Impact Hub sa ginawa nitong isyu.