Ipinakakansela na ng National Housing Authority o NHA ang kontratang iginawad nito sa kontraktor ng pabahay para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.
Sa pagdinig ng House Committees on Housing and Urban Development at Good Government and Public Accountability, sinabi ni NHA Assistant General Manager Froilan Kampitan na padadalhan nila ng letter of termination ang JC Tayag Builders matapos itong mabigong sundin ang kanilang timetable para sa nasabing proyekto.
Dahil dito, plano aniyang idaan muli sa bidding ang kontrata upang maayos na matapos ang natitira pang bahagi ng housing project.
Matatandaang nabunyag rin sa ginawang pagdinig ng nasabing komite nuong nakaraang buwan na gumamit ng mga substandard na materyales ang JC Tayag Builders sa pagtatayo ng pabahay para sa Yolanda victims.
—-