Muling tataas ang kontribusyon ng mga manggagawa sa Philhealth at Social Security System simula Enero ng susunod na taon.
Alinsunod sa batas, tataas nang isang porsiyento ang kontribusyon sa SSS kasabay ng paglaki ng salary credit sa P30,000 pero sagot ito ng employer.
Kung ang suweldo ay P35,000 kada buwan, P4,200 naman ang magiging kontribusyon simula Enero kumpara sa kasalukuyang P3,375.
Ayon kay SSS president at CEO Michael Regino, hindi dapat mangamba ang mga miyembro dahil may aspetong forced savings na ang kontribusyon pagdating ng retirement.
Kalahating porsiyento naman ang dagdag-kontribusyon sa Philhealth mula sa kasalukuyang apat na porsiyento na paakyat ng apat at kalahating porsiyento simula Enero.
Halimbawa, kung ang suweldo ay 10,000 pesos ay tataas ng 450 ang hulog mula sa kasalukuyang 400 pesos at kung lagpas 10,000 hanggang below 80,000 pesos ang suweldo, 500 hanggang 850 pesos naman ang magiging dagdag-kontribusyon.
Inilatag naman ni Philhealth Spokesperson Shirley Domingo ang mga mapapakinabangan ng mga miyembro sa dagdag-kontribusyon.
Kabilang na rito ang pagreview nila sa existing case rate upang ma-increase ang support value at review sa z-benefits at posibleng increase sa dialysis sessions.