Tataas na ang premium contribution ng mga miyembro ng PhilHealth simula ngayong Enero.
Ayon sa PhilHealth, magiging 2.75% na ang premium contribution ng formal sector members o mga empleyado, pribado o nasa gobyerno.
Nangangahulugan ito na P275.00 ang paghahatiang kontribusyon ng mga employer at empleyadong may buwanang suweldo na P10,000.00 pababa.
Kung P10,000.00 hanggang P40,000.00 naman ang basic monthly salary, P1,099.00 ang babayaran na paghahatian ng mga employer at empleyado.
Sakali namang P40,000.00 pataas ang basic salary, P1,100.00 ang PhilHealth contribution na paghahatian ng employer at empleyado.
Ipinaliwanag ni PhilHealth OIC VP for Corporate Affairs, Dr. Ish Pargas na kahit mabawasan ang take-home pay ng mga empleyado, para naman ito sa kalusugan ng buong pamilya.
Gayunman, nilinaw ng PhilHealth na ang increase sa premium ay hindi dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law bagkus ay bahagi ito ng kanilang service improvement.