Epektibo na sa Abril ang tatlong porsyentong (3%) taas singil sa kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System o SSS.
Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez, magiging 14% na mula sa dating 11% ang contribution rate na layon aniyang mapahaba pa ang buhay ng pondo at maibsan ang epekto ng pagtataas ng pension rate noong nakaraang taon.
Gayunman, binigyang-diin ni Valdez na hindi gaano mararamdaman ang naturang taas singil sa kontribusyon dahil sa babalikatin ng mga employer ang two thirds (2/3) nito.
Magugunitang ipinagpaliban ang plano sanang pagtataas sa kontribusyon ng SSS noong isang taon bunsod na rin ng pagpapatupad ngayong taon ng ipinasang bagong tax reform law ng administrasyon.
Kasunod nito, iminungkahi din ng SSS na taasan din ang maximum salary credit ng kanilang mga miyembro mula sa P20,000.00 mula sa dating P16,000.00.