Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontribusyon ng Mitsubishi Motors sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, sa ilalim ng comprehensive automotive resurgence strategy, inaasahan ang malaking tulong ng Japanese car manufacturer sa ekonomiya ng bansa.
Binigyang-diin ng Pangulo na sa pamamagitan ng nabanggit na programa, makalilikha ito ng 7,900 direct employment at P5.73 Billion direct investment.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping