Asahan nang tataas ang kontribusyon sa Philippine Health (PhilHealth) Insurance Corporation sa Enero ng susunod na taon.
Ito ay kasabay na rin ng ganap na pagpapatupad ng Universal Health Care Law.
Ayon sa PhilHealth, tataas sa 3 percent ng buwanang sahod ang premium contribution ng mga miyembro mula sa kasalukuyang 2.75 percent.
Nangangahulugan aniya itong magbabayad na ng P300 kontribusyon ang mga PhilHealth members na may P10,000 sahod kada buwan sa halip na P275.
Kasunod nito, tataas naman ng .5% kada taon ang contribution rate ng PhilHealth hanggang maabot nito ang kabuuang 5% na omento sa kontribusyon sa 2025.
Epektibo ang bagong premium rate ng PhilHealth simula Disyembre 7 o 15 araw matapos mailathala sa mga pahayagan ang PhilHealth circular number 2019-0009.