Nakatakdang siyasatin ng Senado ang kontrobersiya sa operasyon ng small town lottery o STL.
Ayon kay Senate Committee on Games, Amusement and Sports Chairman Senador Sonny Angara, maghahain siya ng resolusyon para rito.
Sinabi ni Angara, labis niyang ikinabahala ang naging findings ng National Bureau of Investigation o NBI na nagsasabing ginagamit umano bilang front ang STL ng mga operator ng jueteng.
Gayunman, tumanggi muna siyang magkomento kung pabor siya o hindi sa mungkahi ni PCSO Chairman Erineo Ayong Maliksi na itigil muna pansamantala ang opersyon ng STL at magbigay muli ng prangkisa.
Ani Angara, nais muna niyang pakinggan ang bawat panig bago siya makapagbigay ng pahayag sa nasabing usapin.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)