Naniniwala ang isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na malalagpasan din ni resigned Chairman Francis Tolentino ang mga kontrobersiya na kinakaharap nito.
Ito’y kasunod ng pagbibitiw ni Tolentino bilang pinuno ng MMDA at pagkalas na rin sa senatorial slate ng Liberal Party (LP) sa 2016 elections.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MMDA General Manager Corazon Jimenez na dapat bigyan ng pagkakataon si Tolentino na maipaliwanag ang kanyang panig hinggil sa mga isyung kinasasangkutan ng nagbitiw na MMDA official.
“Siguro for the moment, pabayaan na muna natin si Chairman, ngayon po nagkapagbitiw na siya, just like any other leader in any ageny or government agency just allow him first to be able to rest from all of this.” Pahayag ni Jimenez.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita