Posibleng pananabotahe sa gobyerno ang kontrobersya hinggil sa ‘tanim-laglag’ bala.
Ito ayon kay DOJ Spokesman Emmanuel Caparas ang lumalabas sa imbestigasyon nang binuong special team ng NBI para imbestigahan ang naturang usapin.
Sinabi ni Caparas na bahagi ang naturang scheme para pahiyain ang gobyerno kaugnay sa 2016 presidential elections.
Gayunman, hindi nagbigay ng dagdag na detalye si Caparas partikular kung sapat na ang nakalap na impormasyon para patunayang target ng tanim laglag bala controversy na yanigin ang gobyerno kaugnay sa 2016 elections.
By Judith Larino