Iimbestigahan ng Department of Justice o DOJ ang umano’y anomalya sa paggamit ng kontrobersyal na DAP o Disbursement Acceleration Program.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, bubulatlatin ng DOJ kung saan napunta ang halos P72-B na pondo ng DAP.
Iimbestigahan din ng DOJ ang mga umano’y nakinabang sa DAP na sina dating Budget Secretary Florencio Abad at Senador Antonio Trillanes.
Matatandaang Pebrero 2015 nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang tatlong bahagi ng DAP partikukar na ang pondo na nanggaling sa hindi lehitimong savings, pondo na nailipat patungo sa ibang sangay ng pamahalaan, at paggamit ng unprogrammed fund na walang sertipikasyon mula sa National Treasurer.
By Avee Devierte |With Report from Bert Mozo