Pinatutsadahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang umano’y pamumulitika at pananakot sa publiko ng mga nag – iimbestiga sa kontrobesyal na Dengvaxia Vaccines.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Health , sinabi ni Aquino na dahil sa pamumulitika na ito ay marami na ang tumatanggi sa iba pang bakuna.
Alam naman po natin na pinasukan na po ang isyung ito ng politika, mainam siguro na ipaalala ko na bawat opisyal ng pamahalaan elected man appointed ay may oath of office, sa pagpapakaba at pagkaka haka haka, sa pagdududa tinutupad ba ninyo ang promotion of the general welfare pati na ang protection of life”. Bahagi ng pahayag ni dating Pnoy
Sinagot naman ni PAO Chief Atty. Percida Acosta ang umano’y dulot na ‘panic’ at ‘hysteria’ sa kanilang ginawang pag – autopsiya sa mga biktima.
Under RA 9406 the authority and the responsibility to exercise the mandate of PAO shall be vested solely upon the Chief Public Attorney and I just quoted the said provision your honor”. Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Atty. Percida Acosta
Kinuwestyon din ni dating Pangulong Aquino ang kwalipikasyon ng ilang indibidwal na nagsasabing ang Denvaxia ang sanhi ng pagkamatay ng ilang bata
Lahat na lang po ay may opinyon, kwalipikado man o hindi, lalo na po ang may isang maingay na ang certification ay tila isang antas lamang sa nabibiling diploma sa Recto.” Bahagi ng pahayag ni dating Pnoy
Pero depensa ni Acosta , may malalalim na karanasan sa forensic ang tila pinaparinggan ni Aquino na Forensic Director ng PAO na si Dr. Erwin Erfe .
“Siya po ay forensic and medical evidence analyst, forensic examiner nandyan po sa kanyang profession practice, siya po ay doctor na lawyer pa, may certificate po siya sa Harvard, ayan po hindi po naman po mabibili ang certificate sa Harvard.” Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Atty. Percida Acosta
Posted by: Robert Eugenio