Panahon nang ibalik sa gobyerno at sa taongbayan ang industriya ng kuryente sa bansa.
Iginiit ito ni Bayan Muna Partylist Representative Isagani Zarate sa harap ng mga alegasyon ng anomalya laban sa ERC o Energy Regulatory Commission na naging ugat pa ng pagpapakamatay ni ERC Director Francisco “Jun” Villa.
Ayon kay Zarate, dapat lusawin na ang EPIRA Law na naging daan sa pagsasapribado ng sektor ng enerhiya at bumalangkas sa kapangyarihan ng ERC.
Bahagi ng pahayag ni Bayan Muna Representative Isagani Zarate
Samantala, pinanindigan ni Zarate ang alegasyon na nagkaroon ng midnight deal ang ERC at ang MERALCO.
Nakipagsabwatan aniya ang ERC sa MERALCO nang hindi nila ipatupad ang circular ng Department of Energy (DOE) na dapat dumaan sa competitive selection process ang lahat ng kumpanya na hahawak ng power project.
Tinukoy ni Zarate ang pinasok na power supply agreement na pinasok ng MERALCO sa pito nilang sister companies kahit na hindi pa naitatayo ang mga ito.
Bahagi ng pahayag ni Bayan Muna Representative Isagani Zarate
By Len Aguirre | Ratsada Balita