Prayoridad ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagpapatuloy ng pagtutulungan at kooperasyon sa pagtataguyod ng matibay na supply chains at pagtugon sa climate crisis at paglipat sa paggamit ng clean energy.
Kabilang ito sa mga napagkasunduan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at kanyang counterpart na si US Secretary of State Antony Blinken matapos ang kanilang pulong noong Sabado.
Nagpasalamat naman si Manalo sa commitment ng US sa Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan, kasaganaan at International Law-based Order sa Indo-Pacific Region.
Binigyang-diin din ng dalawang kalihim ang commitment ng Pilipinas at US sa strategic ties at economic interests ng dalawang bansa.