Magdadala ng direct at indirect benefits sa food at agriculture sector ang kooperasyon ng Pilipinas sa mga kapwa nito miyembro ng Asia Pacific-Economic Cooperation o APEC.
Ayon kay Jollibee Foods Corporation Chairman Tony Tan Caktiong, malaki pa rin ang papel ng imprastraktura sa pagpapaba ng cost of transport ng agricultural goods mula sa mga farmland patungo sa mga lungsod.
Makatutulong anya ang pagsasaayos sa imprastraktura sa food at agriculture industry upang mapabilis ang daloy ng mga produkto at mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Aminado si Caktiong na sadyang mataas ang presyo ng mga agricultural product sa bansa at ito ay malaking hamon para sa Pilipinas maging sa ilan pang APEC member economy sa Southeast Asia.
Idinagdag din ng negosyante na hindi dapat mapag-iwanan ang Pilipinas sa halip ay dapat makasabay sa global community.
By Drew Nacino