Umapela sa gobyerno ang CHR na makipagtulungan sa imbestigation ng ICC kaugnay sa drug war campaign ng Duterte administration.
Kasunod na rin ito nang pagtiyak ni CHR commissioner Karen Gomez-Dumpit ng kooperasyon sa ICC sa imbestigasyon nito kapag hiniling ng international court.
Sinabi ni Dumpit na dapat makilahok at tugunan ng gobyerno ang nasabing proseso ng ICC dahil dapat makita at maramdaman ng pamilya ng mga biktima ang ipinagmamalaki ng gobyerno na umiiral na sistema ng hustisya sa bansa.
Una nang iginiit ng Malakanyang na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas matapos una nang kumalas ang bansa rito.