Hinihiling ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang pinahusay na kooperasyon ng Republic of Korea (ROK) sa bansa para sa Renewable Energy Sources.
Ayon kay PBBM, na eksperto ang ROK sa paggamit ng mga renewable energies, kung saan sabay nilang tutuklasin ang mga oportunidad sa teknolohikal sa supply ng kuryente na nagmula sa renewable sources.
Anya, dapat maging magkasosyo ang bansang Pilipinas at ROK sa proyektong ito.
Samantala, binanggit din ng Pangulo ang ASEAN-ROK Plan of Action 2021-2025 para sa kooperasyon ng kaligtasan at seguridad, kalayaan sa nabigasyon at overflight. —sa panulat ni Jenn Patrolla