Inihayag ni Private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) President Dr. Rene de Grano na patuloy ang kanilang koordinasyon sa Department of Health (DOH) hinggil sa COVID-19 allowance ng mga healthcare worker.
Ayon kay de Grano, marami pa sa mga health worker sa pribadong ospital ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang special risk allowance o sra ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni de Grano na ang iba kasi sa mga ospital ay hindi pa rin tapos o patuloy pa ring hinihingian ng mga dokumento bago umano ibaba ang pondo para sa kanilang allowance.
Matatandaang nitong buwan ng Pebrero nang ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang nasa 7.9 billion pesos na halaga ng pondo para sa allowance ng mga medical frontliner.