Nagpasiklab si fighting Sen. Manny “Pacman” Pacquiao sa basketball court nang pamunuan nito ang kaniyang koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League na ginawa sa Calgary, Canada.
Ito’y makaraang ilampaso ng koponan ni Pacman ang Casem Calgary team para sa isang exhibition match sa Seven chiefs sports complex sa score na 116-99.
Hindi naman magkamayaw ang mga Pinoy fans matapos ang laban dahil dinumog ng mga ito ang senador para makapagpakuha ng selfie.
Sunod na gagawin ang Maharlika Pilipinas Basketball League sa Edmonton, Canada kung saan makakalaban ang ilang piling manlalaro sa nabanggit na lugar.