Hawak na ng senado ang kopya ng deklarasyon ng martial law at pagsuspinde ng writ of habeas corpus sa buong Mindanao.
Ito ang Proclamation 216 na may titulong “Declaring A State of Martial Law and Suspending the Privilege Of Habeas Corpus In the Whole of Mindanao”.
Natanggap ito ng tanggapan ni Senate President Koko Pimentel mula sa Malakanyang, mag-a-alas-10:00 Miyerkules ng gabi.
Nakapaloob sa proklamasyon ang mga naging batayan ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng batas militar at suspendihin ang privilege of writ of habeas corpus.
Una ng inihayag ng mga senador na nais nilang matiyak na hindi ma-aabuso ng mga pulis at sundalo ang idineklarang Martial Law sa Mindanao.
By Drew Nacino | With Report from Cely Bueno