Natanggap na ng Kamara mula Malakanyang ang kopya ng draft ng Bangsamoro Basic Law na binalangkas ng Bangsamoro Transition.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, mayroong tatlong kahalintulad na bersyon ang B.B.L. na magkakahiwalay na inihain nina Deputy Speaker Bai Sandra Sema at Lanao del Norte Representative Mohamad Khalid Dimaporo.
Posible anya nilang i-consolidate o isama ang B.B.L. draft mula sa palasyo sa mga nabanggit na panukalang batas na nasa committee level naman.
Pero aminado si Alvarez na kung bibigyan ng pagkakataon ay mismong siya ang maghahain ng BBL.
Noon lamang Hulyo 17 ay itinurn-over ng transition commission kay Pangulong Rodrigo Duterte binalangkas na Bangsamoro Basic Law.
By: Drew Nacino / Jill Resontoc
SMW: RPE