Nakatakdang ilabas ng Malacañang ang kopya ng nilagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapaliban sa Barangay at SK o Sangguniang Kabataan elections ngayong taon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nuong lunes pa ng gabi nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 10952 o ang ipinasang batas ng Kongreso.
Nakasaad sa naturang batas na ililipat na lamang sa Mayo ng susunod na taon ang dapat sana’y halalan ngayong darating na Oktubre 23 at muling susundan sa ikalawang Lunes ng Mayo 2020.
Mula sa nasabing petsa, gagawin na ang Barangay at SK elections tuwing ikalawang Lunes ng Mayo tuwing ikatlong taon na siyang magsisilbing termino ng mga mahahalal na opisyal na barangay.