Magandang balita sa mga fan ng Korean girl group na Momoland na kilala sa kanilang international hit na “Bboom Bboom”. Inanunsyo ng grupo sila ay bibista dito sa Pilipinas.
Inihayag ng grupo, darating sila sa Pilipinas sa August 18 para makita nang personal ang kanilang mga Pinoy fans.
Ayon kay Nancy, ang pinakasikat na miyembro ng grupo excited at matagal na nilang gustong magperform dito sa Pilipinas lalo’t kanilang nababalitaan sa South Korean na ganuon na lamang ka-sikat na sikat ang kanilang sayaw sa mga Pilipino.
Kasabay nito, umaasa si Nancy na mabigyan siya ng pagkakataon na makita sa Pilipinas si Liza Soberano.
Marami kasing netizen ang nakakapansin ang malaking pagkakahawig nina Nancy at ng Bagani Star na si Liza.