Nanawagan sa Philippine government ang South Korea na magbigay ng paliwanag sa pagkamatay ng kanilang kababayan na biktima ng kidnap-for-ransom.
Si Jee Ick-Joo ay dinukot ng mga armadomg lalaki sa kanilang tahanan sa Angeles City sa Pampanga noong Oktubre 18 at hindi na ito nakauwi nang buhay.
Bagama’t nagbayad umano ng limang (5) milyong piso ang misis ni Jee na si Choi Kyung-Jin ay pinatay pa rin ito ng mga salarin.
Ayon kay South Korean Foreign Minister Yun Byung-Se, dapat gawin ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng naturang negosyante.
By Jelbert Perdez