Bumalik sa bansa ang isa sa tatlong Korean nationals na di umanoy biktima ng hulidap upang maghain ng reklamo laban sa mga pulis na di umanoy bumiktima sa kanila.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, pinakiusapan nila ang Koreano na magbalik sa Pilipinas upang makapaghain ng kaso.
Kasama ni Lee Ki Hoon ang mga opisyal ng Korean embassy na nagtungo sa PNP Region 3 kung saan sya kinunan ng salaysay hinggil sa ginawa sa kanila ng mga pulis Pampanga.
Matatandaan na matapos lumutang ang tokhang for ransom, nabunyag rin ang di umanoy pangongotong naman ng mga pulis Pampanga sa tatlong Korean nationals.
By: Len Aguirre