Planong manirahan sa Pilipinas ng Korean rapper na si Jessica Ho o mas kilala bilang si Jessi sakaling siya ay magretiro na sa pagkanta.
Umani ng iba’t-ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang naging pahayag ng singer-rapper dahil mahal at naaapreciate nito ang Pilipinas.
Matatandaang nito lamang September 30, nagsagawa ng concert si Jessi kung saan, ang dancer at aktor na si John Prats ang naging direktor.
Samantala, sa latest instagram post naman ni Jessi, sinabi niya na forever grateful siya sa mga pilipinong nagpunta, nakiiisa at sumuporta sa kaniyang first solo concert.