Matapos ang apat na taong pagiging magkasintahan ay nagpakasal na ang Korean pop singer na si Rain at aktres na si Kim Tae Hee.
Ayon sa report ginanap ang simpleng seremonya sa Gahoe-dong Cathedral sa Seoul na dinaluhan ng ilan sa malalapit nilang kaibigan sa industriya kabilang na si “Gangnam Style” hitmaker Psy.
Una nang inihayag ni Rain ang engagement kay Tae Hee at sinabing handa na siyang maging mabuting asawa nito.
Idinagdag ng singer-actor na si Tae Hee rin ang ‘greatest gift’ na ipinagkaloob sa kanya.
Si Rain ay nakilala dahil sa popular na seryeng Full House na ipinalabas din sa Pilipinas, habang si Tae Hee ay lumabas na rin sa mga show kagaya ng “Stairway to Heaven,” “Love Story in Harvard,” “Iris,” “My Princess,” at “Yong-pal.”