Target ng isang Korean vaccine developer na magsagawa ng Phase 3 clinical trials ng kanilang COVID-19 shots dito sa Pilipinas.
Ito’y kasabay ng kanilang pangakong magbibigay ng 4M doses ng kanilang bakuna sa bansa.
Ayon kay Ambassador Maria Theresa Dizon, nakipag-pulong na siya sa mga opisyal ng eubiologics sa planta nito sa Chuncheon sa Korea.
Kasalukuyan lang aniyang tinatapos ng mga ito ang phase 2 clinical trial ng Eucorvac19 COVID vaccine sa Korea at nais ngang gawin ang phase 3 clinical trial sa Pilipinas.
Nabatid mula sa Korean embassy sa Maynila na nagsumite na ang eubiologics ng kanilang aplikasyon sa Department of Science and Technology.