Patay ang isang Korean National makaraang mahulog mula sa isang condo sa Makati City.
Nakilala ang biktima na si Kim Min Yun, 35 taong gulang.
Ayon kay Senior Inspector Engelbert Alan, hepe ng police community Precinct- 6 sa Makati, posibleng depresyon ang nagtulak sa biktima para kitilin nito ang kanyang buhay dahil batay sa salaysay ng mister nito na si Kim Young Hin, ito na ang pangalawang beses na nagtangkang magpakamatay ang kanyang asawa.
Sinabi ni “Hin” na nabanggit sa kanya ng kanyang misis pagbalik nito nuong June 2 mula sa bakasyon, na may malala itong sakit at malapit nang mamatay.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng insidente sa Salcedo Park Condominium na may taas na 40 palapag.