Naligtas ang isang Korean national mula sa pang-aabuso ng isa pang koryano sa Pasay City.
Nabatid na ini-report ng ama ng biktima ang nasabing pang-aabuso sa South Korean Embassy sa Pilipinas.
Ayon kay Pasay Police Investigation and Detective Management Section Officer-In-Charge Captain Dennis Desalisa, nagkakilala ang dalawa sa KTV bar kung saan nagtrabaho ang dalaga.
Nabatid na turista ang babae sa bansa at nagtrabaho lamang sa nasabing KTV dahil nagkulang ang kanyang pera.
Kwento ng ama ng biktima, sinasabing naka-droga ito bago ginahasa ng suspek.
Nailigtas naman sa isang condominium unit sa Pasay City ang dayuhan, kung saan ang inaresto ang suspek.
Narekober sa condo unit ang mga pakete ng hinihinalang shabu o metham-phetamine at cocaine, kasama ang mga improvised paraphernalia.