Binasag ng new single ng American singer – songwriter na si Taylor Swift ang record ng Spotify at YouTube sa loob lamang ng 24 oras matapos itong ilabas.
Ayon sa Spotify nakapagtala ang new single ni Swift na ‘Look What You Made Me Do’ ng mahigit 8 milyong streams.
Habang base naman sa record ng YouTube, nakapagtala ito ng mahigit 19 na milyong views.
Naungusan ni Swift ang dating may hawak ng YouTube record na ‘Something Just Like This’ ng The Chainsmokers at Coldplay, na umani ng 9 na milyong views sa loob din ng 24 oras.
Si Swift ang nagsulat at nag-produce ng naturang new single niya na ‘Look What You Made Me Do’ kasama ang frequent collaborator nitong si Jack Antonoff.
Inilabas ng 27-anyos na singer ang kinasasabikang new single nito noong Huwebes sa streaming platforms at iTunes.
PANOORIN: