Nasungkit ni Filipino-Australian golfer Jason Day ang korona sa BMW Championship sa Conway Farms Golf Club sa Lake Forest, Illinois.
Dahil sa panalo ay pumanhik si Day sa world number 1 ranking matapos madale ang 6 shots sa event.
Si Day ay itinanghal na ikatlong atleta na may dugong Australian na naging world number 1 kasunod nina Greg Norman at Adam Scott.
Matatandaan na naitala na rin ng Filipino-Australian golfer ang kanyang makasaysayang panalo sa PGA Championship noong nakaraang buwan.
By: Jelbert Perdez