Inilagay na ng Philippine National Police (PNP) sa heightened alert ang buong Koronadal City.
Ito’y matapos mag-protesta na naman ang mga magsasaka para humirit ng rice subsidy mula sa gobyerno.
Nagsimulang magbarikada ang mga ito noong linggo sa apat na lane ng national highway na kumokonekta sa Koronadal at General Santos City.
Ayon sa kanila, wala na silang makain at nagkakasakit na dahil sa El Niño phenomenon.
Giit ni Ryan Lariba, Secretary General ng BAYAN SOCSKSARGEN, lubhang apektado na ng krisis ang mga magsasaka sa lugar.
Bitbit ang mga plackards na may nakasulat na “Bigas, Hindi Bala”, humihiyaw din ng hustisya ang mga magsasaka sa mga kasamahan nilang nasawi sa malagim na Kidapawan incident.
By Jelbert Perdez