Isinailalim na rin sa state of calamity ang Koronadal City, South Cotabato dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Council, umaabot na sa P40 million pesos ang halaga ng pinsalang dulot ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.
Tinaya na sa 40,000 ektaryang palayan at maisan maging mga high value crops ang nasira.
Mahigit 4,000 pamilya naman ang apektado mula sa 15 barangay.
By Drew Nacino