Naglatag ng kundisyon ang Pasig City Regional Trial Court hinggil sa pagkakasuspinde sa arrest warrant laban kay MNLF Founding Chairman Nur Misuari.
Ayon kay Pasig Rtc branch 158 Judge Maria Rowena San Pedro, kailangang humingi muna ng pahintulot ni Misuari sa hukuman, DOJ at sa OPPAP kung gagawin sa labas ng bansa ang peace talks.
Kailangan ding mag-ulat ni Misuari sa embahada o sa konsulada ng Pilipinas kung saan gagawin ang peace talks at dapat ding tiyakin ng office of the peace process.
Obligado ring magsumite sina Misuari, DOJ at OPPAP ng buwanang ulat sa Korte hinggil sa pag-usad ng peace talks kung saan naruon si Misuari.
Kinakailangan ding magpasailalim sa kapangyarihan ng korte si Misuari sa patnubay ng OPPAP sa sandaling natapos na ang suspensyon sa paglilitis sa kaniyang kaso o di kaya’y natapos na ang usapang pangkapayapaan.
At panghuli, kailangang magpaalam ng OPPAP sa DOJ kapag malapit nang matapos o kung natapos na ang peace talks kung saan, dapat maghain ng motion to lift suspension of proceedings sa korte.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo