Mananatili na sa pwesto bilang Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha hanggang 2025 sakaling manalo sa nalalapit na national election sa 2023.
Ito ay matapos magdesisyon ng Constitutional Court ng Thailand na hindi pa ito lumalagpas sa 8-year term limit nito.
Ikinatuwa naman ito ni Prayut at nangakong gagawin ang lahat para sa pagbabago ng kanilang bansa.
Matatandaang nasuspinde si Prayut nito lamang Agosto kung saan humalili muna sa pwesto si Deputy Prime Minister Prawit Wongsuwan.