Pinayagan na ng Manila Regional Trial Court na makalabas ng bansa si Rappler Chief Executive Office Maria Ressa.
Batay sa court order na inilabas kahapon, pinagbigyan ang “urgent motion to travel outside the country ni Ressa mula Marso 15 hanggang 29, Abril 2 hanggang 14 at Abril 21 hanggang 28.
Nakasaad sa dito na hindi maituturing na “flight risk” si Ressa bilang CEO ng Rappler.
Gayunman, pinagbayad pa rin si Ressa ng P500,000 bilang travel bond upang makatiyak sa pagbalik nito sa bansa.
Muli namang ni-reschedule ang pagdinig ni Ressa at dating Rappler reporter na si Reynaldo Santos kaugnay sa kaso nilang cyber libel.