Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon para payagan ang same-sex marriage sa bansa.
Pinagtibay ng en banc sa resolusyon nito ang pagbasura sa motion for reconsideration na nais baligtarin ang naunang desisyon.
Iginiit ng High Tribunal na walang makabuluhang argumento na naidagdag o nakita dito para baligtarin ang desisyon.
2015 nang maghain ng petisyon si Atty Jesus Nicardo Falcis III na ideklarang unconstitutional ng Articles 1 at 2 ng Family Code kung saan nakasaad ang paglilimita ng kasal o pag iisang dibdib ng lalaki at babae.
September 2019 nang ihayag ng mga mahistrado na deficient ang petisyon ni Falcis sa kanilang resolusyon.
Ayon kay Associate Justice Marvic Leonen, hindi naman pinipigilan ng konstitusyon ang kasal dahil lamang sa kasarian, sexual orientation o gender identity of expression at mabuting iwan na lamang ang usapin sa Kongreso.