Ibinasura ng Korte Suprema ang petition for mandamus o ang kahilingang ng mga kontra sa martial law na magsagawa ng joint session ang Kongreso.
Ito ay upang talakayain ang legalidad ng idineklarang martial law o Proclamation 216 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Nagkakaisa ang desisyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema, kung saan labing tatlo (13) ang bumoto sa pagbasura ng petisyon at nagsabing walang nakitang pag-abuso sa panig ng Kongreso sa pagpabor sa idineklarang martial law ng Pangulo.
Habang dalawang mahistrado ang nagsabing moot and academic na ito dahil nagsagawa na ng joint session ang Kongreso noong Sabado Hulyo 22.
Matatandaang, dalawang magkahiwalay na petisyon ang inihain nina dating Senator Rene Saguisag, Senator Leila De Lima, dating CHR Commissioner Loretta Ann Rosales; at dating Peace Negotiator Alex Padilla kasama si dating Senator Wigberto Tañada na humihiling na mag-convene ang Kongreso para talakayin ang usapin sa martial law.
- Krista De Dios | Story from Bert Mozo