Inatasan ng Korte Suprema ang PNP na imbestigahan kung sangkot ang mga miyembro ng Cordillera People’s Alliance o CPA sa pagkawala ng kapwa nila miyembrong si Arthur Balao.
Ayon sa isang testigo, dinukot si Balao ng limang di-kilalang armadong kalalakihan sa barangay Tomay sa La Trinidad, Benguet noong 2008.
Batay sa imbestigasyon, kasamang naninirahan noon ni Balao ang isang Uncle John at isang Rena na kapwa hinihinalang kasapi rin ng Cordillera People’s Alliance.
Ngunit tumangging ibigay ng liderato ng Cordillera People’s Alliance ang tunay na pagkakakilanlan nina Uncle John at Rene.
Koalisyon ng mga NGO ang Cordillera People’s Alliance na tumutulong sa mga katutubo sa Cordillera.
By: Avee Devierte