Muling Inatasan ng Korte Suprema ang pamahalaan na sagutin ang panibagong alegasyon ng umano’y harassment at red tagging ilang miyembro ng mga progresibong grupo.
Sa ipinalabas na resolusyon ng Korte Suprema, kinatigan nito ang hiling na writs of amparo at habeas data ng mga grupong karapatan Alliance Philippines Inc., Rural Missionaries of the Philippines at Gabriela.
Binigyan ng kataas-taasang hukuman ng hanggang Hunyo 13 ang mga respondents kabilang sina Pangulong Rodrigo Duterte, Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon, AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal at iba pa.
Sa kaparehong resolusyon, inatasan din ng Korte Suprema ang court of appeals na dinggin sa Hunyo 18 ang merito ng kaso kaugnay ng hinihiling na court protection ng mga nabanggit na grupo dahil sa banta seguridad.
Gayundin, ang desisyunan na nasabing kaso sa loob ng 10 araw, sandaling maging submitted for resolution na ito.
Ito Na ang 2nd petisyon sa Korte Suprema kung saan inatasan ang pamahalaan na sagutin ang alegasyon ng harassment at red tagging sa ilang mga grupo, abogado at mga pribadong indibiduwal na inihain ng NUPL o National Union of Peoples’ Lawyers.