Malaki ang tyansa na payagan ng Korte Suprema si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makapag-piyansa sa kanyang plunder case kaugnay sa umano’y maanomalyang paggamit sa Philippine Charity Sweepstakes Office funds na nakabinbin sa Sandiganbayan 1st Division.
Ayon kay dating Justice Secretary Silvestre Bello III, bagaman ang prinsipyo ng kaso ni Arroyo ay conspiracy ng mga PCSO official, lahat naman ng co-accused ng dating pangulo ay nakalaya na at siya na lamang ang naka-hospital arrest.
Ang status quo ante order anya ng Supreme Court na suspendihin ang deliberasyon at hearing sa kaso ni Ginang Arroyo ay indikasyon na tila naglilinaw ang kaisipan ng S.C. sa usapin kung dapat payagang mag-piyansa ang dating pangulo.
By: Drew Nacino | Jill Resontoc (patrol 7)