Nakapagtala ang korte suprema ng 9,207 candidates na nakakumpleto ng dalawang pagsusulit sa unang araw ng 2022 Bar Examinations kahapon, mula sa kabuuang 10,006 na examinees na kumuha ng exam.
Sa kabila ito ng panawagang suspindihin ang face-to-face Bar Examinations ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang coverage ng exam kahapon ay political law, international law with related tax principles, at labor law.
Sinabi naman ni Supreme Court Associate Justice at 2022 Bar Exams Committee Chairperson Alfredo Benjamin Caguioa na naging maayos ang unang araw ng pagsusulit, at tiniyak na makakasunod ang lahat sa health protocols.
Sa November 13 gaganapin ang ikalawang araw ng eksaminasyon kung saan magiging coverage ay criminal law at commercial law.