Nananatiling naka-zipper ang bibig ng Korte Suprema sa kinakaharap na Impeachment Case ni Chief Justice Maria Loudes Sereno sa Kamara kung saan mayroon ng 25 mambabatas ang nakatakdang mag-endorso ng naturang reklamo laban sa punong mahistrado.
Ayon kay Supreme Court Public Information Office Chief, Atty. Theodore Te, agad nilang ipa-aabot sa DWIZ ang anumang magiging tugon ng S.C. sa kinakaharap ng kanilang punong mahistrado.
Matatandaang sinampahan ng impeachment complaint ni atty. Larry Gadon sa Kamara si Sereno dahil sa iba’t ibang paglabag partikular ang hindi nito pagdedeklara sa saln ng kanyang tunay na kinita bilang abogado ng Philippine International Air Terminal Company o PIATCO.
By: Drew Nacino / Bert Mozo
SMW: RPE