Buhay pa ang pagasa ng napatalsik na PMAer Aldrin Cudia na makapasok sa University of the Phillippines College of Law.
Binigyang kunsiderasyon ng Korte Suprema ang ikalawang motion for reconsideration ni Cudia na i-release ng Philippine Military Academy ang mga kailangan nyang dokumento upang makapag enroll sa UP College of Law.
Sa kanilang resolusyon, inatasan ng Supreme Court ang superintendent ng PMA at iba pang opisyal na sagutin ang mosyon ni Cudia nang hindi lalampas sa sampung araw matapos matanggap ang notice mula sa Supreme Court.
Matatandaan na si Cudia ay hindi pinayagang makapagtapos sa PMA makaraang mapatunayang lumabag sya sa code of honor na sinusunod sa academy.
Natanggap na ni Cudia ang kanyang kapalaran subalit bigo pa rin itong makapag enroll sa ibang paaralan dahil sa pagtanggi ng PMA na i-release ang mga dokumentong kailangan nya upang makapasok sa ibang paaralan.
By: Len Aguirre | Bert Mozo (Patrol 3)