Pinagtibay ng Korte Suprema ang naging desisyon nito na nagkakaloob ng karapatan kay Senador Juan Ponce Enrile na makapagpiyansa kaugnay sa kinakaharap nitong kasong Plunder na may kaugnayan sa Pork Barrel Fund Scam.
Sa desisyon ng Supreme Court En Banc, ibinasura nito ang inihaing Motion for Reconsideration ng Office of the Solicitor General na kumukwestyon sa naging desisyon ng High Tribunal na pumabor sa kahilingan ni Enrile na makapagpiyansa dahil na rin sa lagay ng kanyang kalusugan at katandaan.
Matatandaang sa ipinalabas na kautusan ng kataas-taasang hukuman, sinabi nito na nakagawa ng pag-abuso ang panig ng Sandiganbayan nang ibasura nito ang Petition for Bail ni Enrile, sa kabila ng pangangailangan na ito ay aprubahan.
Binalewala umano ng Sandiganbayan ang malinaw na kundisyon sa kalusugan at edad ni Enrile.
Malabo rin umanong maging Flight Risk si Enrile dala na rin ng kanyang medical condition, katayuan sa lipunan at pulitika, idagdag pa rito ang kanyang kusang pagsuko sa mga otoridad.
By: Meann Tanbio