Sinabon ng Korte Suprema ang dalawang abogado dahil sa reklamong inihain laban sa kanila ng Home Guaranty Corporation (HGC).
Sa isang resolusyon, pinagalitan at binalaan ng mga mahistrado sina Atty. Lamberto Tagayuna at Elmar Panopio na papatawan sila ng mas mabigat na parusa kapag naulit pa ang katulad na paglabag.
Nag-ugat ang kaso sa kabiguan ng law firm ng dalawang abogado na ibalik ang limampu’t tatlong owners’ titles ng HGC.
Gayunman, iginiit ng mataas na hukuman na nagkamali sina Tagayuna at Panopio nang itago nila ang mga dokumentong pag-aari ng state corporation dahil lamang sa utang nito na nagkakahalaga ng mahigit P800K.