Nananatiling tahimik ang Korte Suprema sa usapin ng pagbili umano ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng mamahaling SUV o Sports Utility Vehicle na pinabullet-proof pa gamit ang pondo ng hudikatura.
Kasunod nito, ikinagulat maging ng mga miyembro at kawani ng nasabing sangay lalo pa’t ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng mga nagdaang Punong Mahistrado ng High Tribunal.
Batay sa isang opisyal ng hudikatura na tumangging magpakilala, wala naman silang nakitang posibleng banta sa seguridad ng Punong Mahistrado para bumili ng mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng 8 milyong piso.
Magugunitang isa ang pagbili ng sasakyan ni Chief Justice Sereno sa mga inirereklamo ni Atty. Larry Gadon sa kaniyang inihiang impeachment complaint laban sa punong mahistrado.
By Jaymark Dagala / (Ulat ni Bert Mozo)