Walang nakikitang dahilan si Vice President Leni Robredo upang matakot sa Supreme Court hinggil sa election protest laban sa kanya ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Naniniwala si Robredo na maglalabas ng patas at makatarungang desisyon ang Korte Suprema dahil ito ang huling sandigan ng demokrasya.
Wala anya silang dapat ikatakot dahil wala namang katotohanan ang alegasyong dinaya niya si Marcos sa bilangan ng boto para sa pagka-Bise Presidente noong May 2016 Elections.
Magugunitang tinalo ni Robredo ang dating Senador sa Vice Presidential race na may nakapanipis na margin na 263,473 votes.
By Drew Nacino